Gutom.org - Portal for the Pinoy Perspective Classified Ads 
  Login or Register
 Main Menu 

Main
 Home
Appetizer
 About Us & Legal Stuff
 Contact
 Donations
 FAQ
 Link To Us
 Recommend Us
 Request Ban
 Search
 Site Sponsors
Main Course
 Advertise with Us
 Calendar
 Classifieds
 Columns/Op-Ed
 Community Gallery
 Forums
 Online Petitions
 Post Jobs
 Post Resumes
 Recipes
 Shout Box
 Surveys
 Yellow Pages
Side Order
 Account
 Banner Ads Clients
 Private Messages
Dessert
 Downloads
 News Topics
 Recommended Sites
 Top 10
 Web Links
 Weekly Perspective
 Total Hits 
We received
2493081
page views since March 2004
 Donations 
HELP KEEP OUR SERVERS ONLINE!
Make donations with PayPal!
Donat-o-Meter Stats
November´s Goal:$100.00
Due Date:  Nov 30
Gross Amount:$0.00
Net Balance:$0.00
Left to go: $100.00

Donations ©
 Upcoming Events 
 Forums 
Last 20 Forum Messages

GMA got it
Last post by JJ in All About the Homeland on Aug 12, 2007 at 12:22:32

LETTER OF CONCERN TO OUR NATIONAL PROBLEMS
Last post by r69 in All About the Homeland on Jul 30, 2007 at 02:11:19

language board committee
Last post by curious in History/Heritage/Culture on Jul 11, 2007 at 15:27:06

national motto
Last post by Don in History/Heritage/Culture on Jan 16, 2007 at 15:34:18

Deuterium
Last post by Munggo in For Inang Bayan on Jan 15, 2007 at 08:19:09

MERRY CHRISTMAS & A HAPPY NEW YEAR
Last post by Don in Chef’s Shout-out on Dec 25, 2006 at 11:46:45

You are the Person of the Year
Last post by Don in Point and Counterpoint on Dec 17, 2006 at 02:04:13

Mark Jimenez receives Dove of Peace Award
Last post by centre4peace in Travel Talk on Dec 16, 2006 at 22:40:45

Winners in the Pasay on-the-spot painting and essay-writing
Last post by centre4peace in Travel Talk on Dec 16, 2006 at 22:31:15

Charter Change: Parliamentary-Federal Government
Last post by JJ in For Inang Bayan on Dec 04, 2006 at 06:33:26

Centre for P.E.A.C.E. painting and essay-writing contests
Last post by centre4peace in For Inang Bayan on Nov 30, 2006 at 23:37:04

where is God?
Last post by lacairotte in Religion, Beliefs, Philosophy and Principles on Nov 30, 2006 at 06:40:17

Weapons of Mass Deception
Last post by JJ in The Americas on Nov 25, 2006 at 16:21:55

Learn French
Last post by silentwater in Gutom-tainment on Nov 24, 2006 at 01:04:45

Globalization
Last post by JJ in Everyday Grind on Nov 22, 2006 at 05:04:32

Filipina First
Last post by JJ in Pinoy Pride on Nov 22, 2006 at 04:25:23

Pacquiao fever
Last post by JJ in All About the Homeland on Nov 22, 2006 at 04:21:37

Filipino Overseas Fund Corporation
Last post by Don in For Inang Bayan on Nov 20, 2006 at 19:16:34

PHILIPPINES HOUSES
Last post by Don in All About the Homeland on Nov 20, 2006 at 19:11:26

shoutbox
Last post by silentwater in At Your Service plus Q&A on Nov 16, 2006 at 20:34:24


[ Gutom.org - Portal for the Pinoy Perspective ]
 Gutom Recipes 

Pansit Palabok



Pansit Palabok



Chicken Pork Adobo



Chicken Pork Adobo



Pansit Palabok


More Recipes
 Recommended Links 
Total Categories: 13
Total Links: 166

Latest Links Added


· 1: Congressional Planning and Budget Department
[Hits: 590]

· 2: User Powered Philippine News and Information Community. Post, Vote and Share Filipino Stories
[Hits: 830]

· 3: The Coconuter
[Hits: 826]

· 4: Global Partners,Inc. Philippines a-store
[Hits: 751]

· 5: Search engine optimization services
[Hits: 658]

· 6: JoozeBox Distribution, Inc.
[Hits: 975]

· 7: Overseas Filipino Council
[Hits: 790]

· 8: Kaylen's Kastle Cinema Complex
[Hits: 394]

· 9: Global Partners,Inc. Philippines
[Hits: 822]

· 10: ChoiceXtracts - Extract the Healthy You
[Hits: 746]

· 11: JoozeBox - Home of the Calamansi & the Dalandan
[Hits: 723]

· 12: Globosys.com
[Hits: 948]

· 13: AJBDomains.com
[Hits: 992]

· 14: Viva Pinoy
[Hits: 935]

· 15: OPMPinoy.com Music Community
[Hits: 1021]

· 16: Pakemo! Isigaw Mo Dito!
[Hits: 1063]

· 17: GPI-PHIL.com
[Hits: 871]

· 18: Welcome to Ultravision Photo and Video
[Hits: 775]

· 19: Dapayan Filipino Forum
[Hits: 919]

· 20: Global Filipinos for Progress
[Hits: 669]


Most Hits


· 1: Filipino American Human Services, Inc.
[Hits: 2846]

· 2: Al Furqan International Assosciation, Inc (AFIA)
[Hits: 2460]

· 3: Trehb101 - Define the Definite Definition (...of whatever)
[Hits: 2271]

· 4: Retarded's Notebook
[Hits: 2160]

· 5: LibraryLink
[Hits: 2136]

· 6: The Lost Filipino
[Hits: 2042]

· 7: Philippine Overseas Employment Administration
[Hits: 2017]

· 8: Blog by Silentwater
[Hits: 2011]

· 9: Bibingka.com
[Hits: 1998]

· 10: Search to Involve Pilipino Americans
[Hits: 1821]

· 11: PinoyNet
[Hits: 1806]

· 12: Official Website of Mar Roxas
[Hits: 1690]

· 13: Summer Program for Empowerment and Leadership (SPEL)
[Hits: 1613]

· 14: The Makati Business Forum Updates
[Hits: 1581]

· 15: Filipino American Council of San Francisco
[Hits: 1294]

· 16: Filipino "Ugnayan" Student Organization
[Hits: 1200]

· 17: JJ Caluza Personal Page
[Hits: 1200]

· 18: Filipino American Students Association
[Hits: 1182]

· 19: A Philippine Leaf
[Hits: 1175]

· 20: albert magsumbol home
[Hits: 1149]

 Ads by Google 
 Paid Advertising 

 Advertising 

Yellow Pages

  PGMA DISCUSSES FOREIGN INVESTMENTS AND MONETARY STABILITY 
Government and PoliticsWITH DTI SECRETARY FAVILA AND CB DEPUTY GOVERNOR GUINIGUNDO

The following is the full transcript of a focused group discussion with President Gloria Macapagal-Arroyo and Secretary for Trade and Industry Peter Favila and Central Bank Deputy Governor and Head of CB's Monetary Stability Sector which was held in Malacanang yesterday, 11 October 2005:

OFFICE OF THE PRESS SECRETARY
NEWS AND INFORMATION BUREAU
OPS-NIB OPERATIONS COMMAND CENTER
(NOCC)
Tel. Nos.: 733-1631/733-1611/7331613

---------------------------------------------------------------------
---------------------------------------------------------------------



10-11-2005



PGMA: Maraming salamat, Veronica. Mga kababayan, magandang hapon sa inyong lahat. Dapat tayong magalak sa patuloy na pagsigla ng investment na lumikha ng libu-libong trabaho sa ating bansa sa kabila ng sobrang pamumulitika. Hanggang Hulyo ng taong ito, mga kalahating milyong dolyar ang pinuhunan ng mga dayuhan sa mga pabrika, tanggapan at iba pang negosyo sa ating bayan. Mahigit na 52 percent na paglaki mula noong isang taon. Isang dahilan ito ng pagdagdag ng nine hundred thousand na trabaho sa ating ekonomiya hanggang Hulyo. Samantala, dalawang bilyong dolyar na ang dumagsa sa ating stock market mula sa ibayong dagat, labintatlong ulit ng pumasok sa 2004. Itong hapon na ito, narito ang dalawang nagsusubaybay sa mga investments. Iyong mga direct investments ay sinusubaybayan ni Secretary Peter Favila, ang Secretary of Trade and Industry, at narito siya ngayon, at ang nagre-record naman ng ating mga portfolio inflows ay ang Central Bank of the Philippines, or Bangko Sentral ng Pilipinas, at narito naman ang Deputy Governor na si Ginoong Diwa Gunigundo. Magandang hapon, Peter, at magandang hapon, Diwa.

DIWA: Good afternoon.

PETER: Magandang hapon po.

PGMA: Magsimula tayo sa mga direct investments, Peter. Maganda ang ating larawan, 54 percent more than last year. Kaya, itong mga --- baka maikukuwento mo, kung sinu-sino itong mga ilang investments na puwede nating bantayan at hintayin na magbubukas at magbibigay ng maraming trabaho.

PETER: Maraming salamat, mahal na Pangulo. Magmula po noong 2001, ito po iyong --- at the start of your presidency, Mrs. President--sa 2001 alone, ang aming inaprubahan na foreign and local investments na dumaan sa Board of Investments at saka iyong ating mga economic zones authorities [interrupted].

PGMA: Oo, at saka ngayon, Peter, hindi ba, mas marami ng investments ang dumadaan sa economic zones.

PETER: Napakarami, Mrs. President.

PGMA: Kaysa sa BOI?

PETER: So, sa 2001 lang po, umabot na po ito ng 190 billion pesos. Iyan po ang pumasok noong 2001, lumago ito --- itong January to July alone, Mrs. President, 2005, mayroon na pong --- sa BOI registered, 105 billion pesos at sa economic zone authorities, 27 billion pesos, at marami pa pong applications sa amin ngayon and I am glad to report to you, Mrs. President, at sa ating mga kababayan, ang processing po namin ngayon sa Board of Investments ay naibaba na namin sa 3 days. Although, ang challenge sa amin ng mahal na Pangulo ay gawin pa namin iyan sa loob ng isang araw. So, Mrs. President, we are putting in place the proper technology, mayroon po kaming mga acquisitions ng mga computers para maibaba po namin sa 24-hour processing.

PGMA: Congratulations! Napakagaling noon.

PETER: Thank you, ma’am.

PGMA: At iyong approval period naman?

PETER: Iyong approval period po ngayon sa BOI, matagal na po iyong aabutin kayo ng 10 days. But, iyong delay po sa BOI, kasi, iyong ibang mga applications, kulang sa mga impormasyon. So, kung kumpleto po ang impormasyon ninyo, sa loob ng tatlong araw, makukuha ninyo lahat ang mga approvals ninyo.

PGMA: So, 100 billion sa BOI at 50 billion sa economic zone?


PETER: [From] January to July, anim na buwan nitong taon na ito, 105 billion sa BOI at 27 billion sa economic zone authorities.

PGMA: So, marami pa rin ang BOI.

PETER: Mas marami ang BOI, Mrs. President.

PGMA: Ginoong Gunigundo, doon naman sa ating portfolio inflows. Thirteen times compared to last year ang ating portfolio inflows. Ito ba ay pumapasok sa ating stock market, Ginoong Gunigundo?

DIWA: Opo, mahal na Pangulo. Ang equity, ang foreign portfolio investments, marami ang nagsasabi, ito ay tinatawag na hot money. Pero ito hindi necessary na magiging hot money kung iyong ating mga mamumuhunan ay mayroong pagtitiwala sa ating ekonomiya at sa ating bansa. Kaya marami diyan kahit na mabilis pumapasok at lumalabas, marami pa rin ang mga naiiwan. Kaya kung pag-uusapan natin ang numero, noong January to June, first six months of 2005, ang pumasok po diyan is more than $4 billion. Iyon pong equity securities, karamihan diyan ay pumasok doon sa ating Philippine Stock Exchange at ito ay nagagamit ng industriya at ng iba’t ibang uri ng negosyo, mahigit $1.2 billion ang pumasok. At doon sa debt securities, 2.9 billion ang pumasok sa ating bansa. Bagamat ito ay tinatawag na portfolio investments, kapag ang mga mamumuhunan ay mayroong pagtitiwala sa ating bansa, iyan ay nananatili na rito at nakakasama at nagagamit iyong mga puhunan na ito sa pagpapalago at pagpapalawak ng ating ekonomiya.

PGMA: At ngayon ay lumalakas ang ating piso. It is less than 56.

PETER: Kanina ay nagsimula ng P55.78, mahal na Pangulo.

PGMA: So, less than 56.

Transcribed by: Rhio Zablan and Ednalyn Ilano

PETER: Nakikita ng merkado na itong huling tatlong buwan ng 2005, iyong exports, karaniwan, ito ay lumalakas, especially towards the end.

PGMA: Oo, at ang export natin dito, 11 percent.

PETER: Eleven percent, Mrs. President. At iyong OFW remittances, tumataas po iyan sa huling tatlong buwan sa 2005.

PGMA: At saka, iyong remittances yata ng mga OFWs, mga 22 percent.

PETER: More than 22 percent, Mrs. President.

PGMA: So, marami, maraming pumapasok.

PETER: Kaya, inaasahan po natin, sa pagtatapos ng taon, higit na lalakas ang ating piso at ito ay napakaimportante sa ating ekonomiya, sapagkat, tumaas man ang presyo ng gasolina, presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, kung lumalakas naman ang palitan between the Peso and the Dollar, somehow, it could cushion the impact of high oil prices.

PGMA: Kaya, nagpapasalamat tayo sa mga exporters at sa ka sa mga Overseas Filipino Workers dahil sa kabila ng lumaki ang ating importation ng langis, ang ginastos natin sa importation ng langis, lumakas pa rin ang ating piso dahil sa kanilang mga remittances at exports. Iyong ano, Peter, iyong anong klaseng mga investments ang pumasok nitong taong ito na lumaki ng magkano, by more than 50 percent ng ating investments.

PETER: Yes, Mrs. President. Dito po, mayroon tayong graph dito [interrupted].

PGMA: Nakikita kaya ng camera? Puwede bang i-close-up?

PETER: Dito, makikita natin, sa manufacturing sector, napakalaki ng itinaas niyan at saka sa electricity, gas and water utilities. Malaking investments [interrupted] iyan.

PGMA: Power, power investments iyan.

PETER: Power, Mrs. President. And then, mayroon tayong sa I.T., I.T. services at saka even real estate. Makikita ninyo, marami ngayong mga activities sa real estate. So, iyong apat na sector na iyan, malaki po ang pumasok sa investments dito. Perhaps Mrs. President, puwede ko na ring idagdag sa inyo. Earlier today, I addressed the Asia-Pacific Summit on Mining. Marami po tayong mga bisita from all over--China, Australia, US, Korea, India at nandoon iyong Secretary General ng ASEAN at siya mismo ay nagsasabi sa akin na siya ay natutuwa na ganito pala ang interest dito sa ating bayan, contrary to kung anong nababasa nila sa pahayagan. Of course, Mrs. President, I delivered the message to our friends in the foreign business community to make use already today of all these attractive and all the incentives that are available in place. I assured them, Mrs. President, na pina-prioritize natin and kami ni Secretary Teves ay nakipag-usap kay Senator Ralph Recto na tapusin na iyong rationalization ng fiscal incentives. Ito ay malaking bagay, Mrs. President, kapag ito ay lumabas, sigurado po iyan, papasok at papasok lahat iyan.

PGMA: So, ano raw ang status ngayon ng rationalization of fiscal incentives sa Senado?

PETER: Ito pong magandang balita, Madame President. Sabi ni Senator Recto, kahit na mag-recess ang Congress sa darating na mga--I think, October 12 or 17...

PGMA: Yes, October 12.

PETER: Ang sabi ni Senator Recto ay ipagpapatuloy niya ang hearing, kung kailangan araw-araw, gagawin niya iyan, during the recess period. At kami ni Seceretary Teves, nangako na nandoon kami para lang makuha natin at sana man lang, Mrs. President, bago matapos ang taon, iyan na po ang pamasko natin sa ating mga negosyante at mailabas na iyan.

PGMA: Iyan at saka iyong Anti-Terrorism Law. Dahil siyempre, para manatili at lumawak iyong puhunan ay inaasahan naman nila na mapayapa at matiwasay ang lugar kung saan sila naroon. Halimbawa, malaking pinsala sa Indonesia iyong nangyari sa Bali.

PETER: That is right! And isa pa, Mrs. President, galing din ako doon sa opening ng Annual Philippine Business Conference at lahat sila roon ay hinihintay ang pagdalo ninyo sa makalawang araw at binigyan ko na sila ng ika nga ay feedback kung ano pa ang ating ginagawa sa pamahalaan at maganda rin naman, Mrs. President, ang kanilang pagtulong sa Department of Trade and Industry. Sinasabi nila sa amin ang mga suggestions nila at ina-adopt naman namin. And perhaps, Mrs. President, with your permission, puwede ko na pong i-anunsiyo rito na ang ating mahal na Pangulo ay inatasan kami sa Department of Trade and Industry na i-implement iyong spirit ng NERBAC. Ito ay isang batas na ini-sponsor ng ating mahal na Pangulo noong siya ay nasa Senado.

PGMA: Ako ay nasa Senado at noong panahong iyon, si Governor Plaza ang naging author doon, noong siya ay congressman. Noong ako ay senador, itinuloy ko ito--National Economic Research and Business Assistance Center. Ito ay magiging one-stop-shop para sa mga investors, pati na rin iyong after care at ito ay ilalagay natin, ang magiging tahanan niya ay ang Department of Trade and--ang Board of Investments, actually. Dahil sa pangalan lang, investments, iyan ang namamahala ng investments.

PETER: In fact, sinabi ko sa kanila, Mrs. President, kanina doon sa Philippine Business Conference, just to show you how serious the President is about these things, sabi ko, I had a very nice experience over the weekend. Ma-alala ninyo, Mrs. President, tinawagan ninyo ako at may nag-report sa inyo na mayroon tayong traffic gridlock [interrupted].

PGMA: Ah, doon sa North Expressway. Kasi, doon nga sa North Expressway, maraming mga negosyante ang bumibiyahe between Manila and Clark-Subic, not only that, pati nga iyong mga karaniwang mamamayan.

PETER: Ang sabi nga nila sa akin, ma’am, bakit DTI? Hindi ba dapat DoTC iyan? Sabi ko, precisely, ito ang ibig sabihin ng mahal na Pangulo dito sa one-stop action center. Ang DTI, kami na ang mukha ng negosyo. So, kung ano ang pangangailangan ninyo, kung ano ang mga problema ninyo, ipaalam ninyo sa amin, hindi na kayo makikipag-usap sa bureaucracy, kami na iyong account officer at kami na ang magbibigay sa inyo ng resulta ng inyong mga daing.

PGMA: Although, isang dahilan din kung bakit tinawagan kita Peter, dahil nakalimutan ko na iyong North Expressway ay hindi na pala PNCC, Benpres na pala.

PETER: Na-privatize na po. Pero, magandang senyales iyan, Madame President, na ang gobyerno is on top of every situation.

PGMA: Now, napag-usapan natin ang PNCC. Iyan ay pag-aari ng National Development Company na ang may-ari rin ay DTI. At ang PNCC, ang ginagawa rin niya ngayon, para rin iyong mga investors sa Katimugan ng Luzon kung saan iyong CALABARZON ay magkaroon ng ginhawa pati na rin iyong mga karaniwang mga mamamayan na nakatira doon o iyong mga manggagawa na nakatira dito at nagtatrabaho doon, inaayos natin iyong Southern Luzon Expressway.

PETER: Yes. Naumpisahan po natin iyan, Mrs. President.

PGMA: Peter, ano itong ini-isyu nilang bakit naging 11 billion whereas, puwede raw magawa by how much--6 billion?

PETER: Nakarating na po sa aking pansin iyan, mahal na Pangulo at nire-review nga po namin dahil ito ay isang kontrata na tinapos ng aking predecessor, si Ginoong Johnny Santos. Ako ay nakipag-usap sa kanya, at iyon nga ang isang problema natin, Mrs. President, nakita ko na rin ito. Kapag tayo, ang gobyerno ay mayroong proyekto, inaanyayahan natin lahat na sumali, magbigay ng kanilang proposal, bidding and everything. Kapag mayroon nang nanalo, iyong mga natalo, biglang hahabulin ang gobyerno at sasabihin, kaya naming gawin iyan ng mas mura pa doon sa nanalo. Sabi ko, bakit hindi ninyo sinabi from the beginning, kung kaya ninyo palang daigin, sabihin na kaagad. Dahil ang ating proseso sa gobyerno, may deadline [interrupted].

PGMA: May deadline, ina-announce, ina-announce iyong bidding date.

PETER: Dahil iyon ang isang gusto ng mahal na Pangulo [tape cut] doon sa South Luzon Expressway, siniguro ko, noong nasabi ko na bago magtapos ang taon, mauumpisahan namin iyan. Pagbalik natin buhat sa United States, ako ay tumungo sa South Luzon Expressway. Siniguro ko na nandoon iyong mga heavy equipments, nandoon iyong mga tao ng PNCC, nilaparan na nila iyong Bunye Road. Maraming nagtanong sa akin kung pag-aari ni Kalihim Toting Bunye iyan, ang sabi ko, palagay ko, napangalan lang sa mga Bunye dahil kilala.

PGMA: Sa kanyang tatay yata. Doon ang pamilyang Bunye, sa Muntinglupa.

PETER: Tapos, tumungo po ako, magmula Sto. Tomas, pabalik hanggang Alabang, iyong pavement testing. Makikita ninyo sa South Luzon Expressway, sa kalagitnaan, may makikita kayong mga humihintong equipments doon, nagpe-pavement testing iyan. Ang ginagawa diyan, binubutas nila iyong highway, kumukuha ng specimen iyan, mga ganito kalaki. And it takes several hours kaya minsan, nagkakaroon ng build-up. Pero, mayroon tayong mga PNCC policemen there to manage the traffic. Iyang pavement testing na iyan, ina-alam ng mga Malaysian engineers kung doon sa haba ng Alabang to Calamba, ano bang portion ang puwede pang magamit o puwede pang ma-save? Kaya, we have to go through this process. I hope the public will understand this, ma’am. This is an engineering requirement para [interrupted].

PGMA: Kaya may kaunting traffic ngayon?

PETER: Yes, Mrs. President, iyon po ang nangyayari diyan.

PGMA: Gaano katagal iyang inconvenience na iyan?

PETER: Iyang pavement testing na iyan Madame President --- kasi mino-monitor ko ito on a daily basis. Natapos na iyong boring, iyong boring lang. Ngayon, gagawa naman sila, iyong 1 square meter, again, at random on certain portions, from Ayala Alabang hanggang Calamba. And the Malaysian engineers, I told them, kung maaari naman, tapusin nila sa lalong madaling panahon. Unfortunately, Mrs. President, and we cannot do much anything about it, dahil sa masamang panahon, medyo malakas iyong ulan, nahihinto sila. Pero, tuluy-tuloy ito, Mrs. President. Noong weekend ay tsinek ko na naman, sinisiguro ko lang na talagang nakabantay. Sabi nga noong engineer ng Malaysia, ngayon lang daw siya nakaharap ng [interrupted].

PGMA: Secretary of Trade.

PETER: Oho, na talagang mino-monitor. Sabi ko doon sa Malaysian engineer, we need to do this because this is what is needed by our people [interrupted].

PGMA: Kasi, ilang taon na tayong hindi gumagawa ng imprastrakturang kinakailangan ng mga investors natin. Iyon ang dahilan kung bakit hindi tayo competitive. Doon naman sa stock exchange natin, Ginoong Gunigundo, malaki na ang inilaki ng ating portfolio investments, pero, ang laki pa ng ating potentials, hindi ba?

DIWA: Malaki iyong ating potentials, Madame President, lalung-lalo na sa doon mining. Iyong mining ay isang [interrupted].

PGMA: Marami ba tayong listed companies sa mining?

DIWA: Opo. At malaki iyong potential diyan dahil doon sa ruling ng Supreme Court. At sa katunayan ay marami na ring nag-apply diyan at nag-indicate ng kanilang interest upang pumasok. Mayroong mga mamumuhunan mula sa Australia, maging sa Germany at maging sa Tsina. At inaasahan po natin kapag pumasok iyan ay higit na lalago iyong ating Philippine Stock Exchange, at the same time, iyong mismong paggawa nila, pagmimina nila sa Pilipinas [tape cut].

End of Part 1
Rhio/mcdp
Part 2

PGMA : Sinasabi kasi nila na sayang ang potential natin dahil maraming interesadong mag-invest ng portfolio, pero iyong ating merchandize ay kaunti lang. Kaunti lamang ang nakalistang kumpanya sa ating stock exchange.

GUNIGUNDO : Isa ito sa dahilan, Madame President, kung bakit ang Bangko Sentral at iyong iba pang bahagi ng ating private sector are now intensifying iyong development ng ating capital market.

PGMA : Yes.

GUNIGUNDO : So, mayroon po tayong Fix Income Exchange ngayon, which provides the platform for secondary trading of mortgage instruments sa asset back securities. Ito ay naging posible, dahil pinayagan ng Kongreso at ng Senado iyong securitization na tinatawag. So, iyong mga government securities, maging iyong mga private debt papers, ito po ay maiti- trade na ngayon doon sa Fix Income Exchange.

PGMA : Ano itong securitization na ito, Ginoong Gunigundo. Puwede mo bang ipaliwanag in layman’s term. Ano iyang batas na securitization?

GUNIGUNDO : Iyon pong securitization, kapag halimbawa mayroon po tayong inutang, halimbawa, iyon pong banko, halimbawa, iyon ay hahawakan na niya hanggang maturity. So, walang liquidity iyan.

PGMA : Sabihin natin, umutang ang isang magaling na kumpanya. Halimbawa, Ayala Land, umutang sa Metrobank or whatever.

GUNIGUNDO : O kahit na po private individual, Madame President.

PGMA : O sige, sabihin natin, isang mayamang individual, humiram.

GUNIGUNDO : Nagpautang ngayon iyong private…

PGMA : Dona Narcisa De Leon, kung sino ba ang…ngayon.

GUNIGUNDO : So, iyong pera niyan nandoon sa kumpanya. So, matutulog iyong pera niya, dahil ang hawak niya ngayon securities.

PGMA : Nagpautang siya halimbawa sa isang company. So, mayroon siyang hawak na promissory note?

GUNIGUNDO : That is right, Madame President.

PGMA : May hawak siyang promissory note na hindi kailangan ang banko, kahit individual, alright.

GUNIGUNDO : Iyon po iyong second stage ng Fix Income Exchange.

PGMA : Yes. So, itong isang mayamang dowager, may hawak siyang promissory note sa isang kumpanya.

GUNIGUNDO : Kapag ito ay gusto niyang i-liquidate or i-liquefy, gusto niyang magkaroon ulit ng pera dahil natutulog iyong pera niya, doon siya nangutang, pupunta siya ngayon sa fix income exchange.

PGMA : Saan itong fix income exchange na ito?

GUNIGUNDO : Itong fix income na ito ay nasa Makati, but later on, bawat isa po, iyong mga banko at iba’t ibang malalaking kumpanya, sila ay magkakaroon ng trading platforms. Kaya, hindi na nila kinakailangang magpunta sa isang lugar at doon makipag-trade.

PGMA : Itong fix income exchange ba na ito ay nandoon din sa Philippine Stock Exchange?

GUNIGUNDO : Hindi po. Ito po ay isang separate po. Ito po ay mina-manage noong tinatawag nating Philex. At kapag ito po ay umabot na doon sa second stage, nagkaroon ng tinatawag nating seamless trading, kasama na iyong government securities through the Bureau of the Treasury, hindi lang po banko ang kasama dito. Magkakaroon po ng tinatawag na price discovery. Kapag may price discovery, iyon pong mga nagbebenta ng mga securities, makakakuha sila ng mas mataas na presyo doon sa kanilang papers at iyon namang nagbebenta, mas mataas din iyong makukuha nila.

PGMA : Ano ang minimum amount ng promissory note para maka-trade dito sa…?

GUNIGUNDO : Hindi pa po naka-set up iyong mga minimum kasi by corporates pa ngayon at saka government securities. Oras na pumasok po tayo doon sa second stage, iyon pong mga minimum lot, nang halimbawa ay P5,000 or P20,000, ito po ay maaring mai-trade sa secondary trading.

PGMA : So, nasa first stage tayo ngayon.

GUNIGUNDO : Opo. Nasa first stage tayo ngayon.

PGMA: Ito iyong mga humahawak ng government securities at saka ano?
GUNIGUNDO : Government securities po at saka iyong mga commercial papers. And then, later on, pati publiko, pupuwede na pong sumama doon.

PGMA : Kumusta na ang volume ng trading doon?

GUNIGUNDO : Lumalaki na po. Noon pong magsimula iyan, halos walang gustong makipag-trade, kasi may iba’t ibang requirements, halimbawa iyong third party custodianship.

PGMA : Diyan, mayroon ba tayong foreign inflows?

GUNIGUNDO : Ito po iyong tina-target, Madame President, ng capital market. Oras kasi na ito ay na-develop, na-deepen at na-intensify, hindi na po natin kinakailangan o makapagbabawas po tayo ng pangungutang mula sa labas. Kasi iyong mga dayuhang mamumuhunan, sa halip uutangin natin iyon, pupunta dito dahil marami tayong mga financial products available, iyong dolyar nila dadalhin nila doon sa ating Fix Income Exchange at pagkatapos po iyon ay ibibigay sa atin.

PGMA : Bale iyong Stock Market ay exchange ng mga equities.

GUNIGUNDO : Equities, government securities, commercial papers.

PGMA : Hindi, iyong stock market?

GUNIGUNDO : Iyong mga stock market mga equities po, shop ng mga kumpanya.

PGMA : Yes. Iyong Fix Income Exchange ay…

GUNIGUNDO : Ito po ay government financial instruments.

PGMA : Bonds. So, stock market is stocks and the Fix Income Exchange is bonds.

GUNIGUNDO: Yes, Madame President.

FAVILA : Mrs. President, nabanggit po ninyo, na sabi nga po sa ating stock exchange (interrupted).

PGMA : Siyanga pala, si Peter, bago naging Secretary of Trade and Industry, siya ang chairman ng Philippine Stock Exchange.

FAVILA : Madame President, totoo po iyong sinasabi ninyo, if we compare ourselves to like Hong Kong or Singapore, kakaunti pa lamang po iyong ating mga listed companies.

PGMA : Pero tayo naman ay hindi naman tayo Hongkong at Singapore. Siguro ang mga comparison natin Indonesia, Thailand, Vietnam, iyon ang mga basis of comparison natin.

FAVILA : Natumbok po namin kung ano ang ginagawa nila. At ito po ang ginagawa ng stock exchange kaya noong makalawang linggo nagpunta ako doon to address a seminar. Ang ginawa po nila, iyon talagang mga retails, iyong mga maliliit, talagang ini-enganyo nilang mag-list.

PGMA : Hindi ba mayroon tayong small board?

FAVILA : Mayroon na po tayo, dadalawa lang po iyong nakalista.

PGMA : Dalawa pa lang-- sino iyong dalawa?

FAVILA : Hindi ko na po matandaan iyong pangalan, Mrs. President. But, iyong sa nakita po namin, iyong pa lang BOI, sa batas, kapag registered kayo sa BOI, you are…

PGMA : Dapat, you are supposed to.

FAVILA : That’s right, within…

GUNIGUNDO : After several years.

FAVILA : I think 5 or 10 years, you have to list.

PGMA : So, are you going to enforce that, Peter?

FAVILA : Yes, that is why I met with the BOI registered firms. Of course, Mrs. President, humihingi lang sila ng kaunting panahon dahil gusto nilang maintindihan, ano ba ang ibig sabihin noong magli-list kami sa Philippine Stock Exchange..

PGMA : Ten percent ang kailangan nilang i-list, ano?

FAVILA : Opo, minimum po. So, ako po, together with iyong namumuno ngayon, si Francis Lim, nag-seminar po kami.

PGMA : Good.

FAVILA : At ipinaliwanag namin sa kanila, kayong mga maliliit na negosyante, madalas ang idinadaing ninyo, kapag pumunta kayo sa banko, sa ating kaibigan dito, medyo mataas iyong cost of money. Ngayon, sa stock exchange, wala kayong cost doon, wala kayong babayarang interest doon, kung hindi siguro iyong processing fee lang na mai-list kayo. Iyon na nga, 10% ng inyong pag-aari, ibebenta na ninyo sa publiko.

GUNIGUNDO : You have to go public.

FAVILA : Okay. Iyong pondo noon, sa inyo mapupunta iyan, bagong kapital iyan para sa negosyo ninyo. So, huwag kayong maaabala, kasi may tendency kayong mga businessmen, ika nga, maging control freak.

PGMA : Kasi ang kinatatakutan nila, kapag publicly listed, ay mas maraming disclosures ang kailangang gawin.

FAVILA : Which is what we need, Mrs. President, in this time and age of good corporate governance, maganda po iyan. Kapag kayo listed, even ang mga banko, iba na ang paningin sa inyo. Para bang, kumbaga sa IMF saka sa Worldbank (interrupted).

PGMA : Mas maganda ang credit.

FAVILA : Mayroon tayong seal of good housekeeping, mas maganda ang pananaw sa inyo.

GUNIGUNDO : Kapag umutang sila ay mababa ang interest rate.

FAVILA : Mababa na ang interest rate for short term loans.

PGMA : Kapag publicly listed company.

FAVILA : Kaya inaanyayahan namin kayo, mga BOI registered firms and even iyong mga maliliit na kumpanya diyan, tutulungan namin kayo makapag-list at diyan makikita ninyo kung gaano kalawak ang potentials ng ating stock exchange market.

PGMA : So, Peter, mabalik tayo sa mga investments. Ang pinakamalaking investments sa ating bansa ngayon ay iyong power sector.

FAVILA : Power po. Iyan po ay…

PGMA : Sinu-sino iyong mga nag-i-invest at nasaan, sa power sector?

FAVILA : Ito po--mayroon tayo, iyong KEPCO.

PGMA : Yes, Korean Electric Power Company.

FAVILA : Ang ini-apply po nila sa amin, Madame President, ay P15.2 billion.

PGMA : Oo, kasi mayroon silang $600 million doon sa Batangas.


FAVILA : Ito po ay sinampulan po lang muna nila tayo. This is a coal fired power generation project.

PGMA : May $200 million siya doon sa Cebu.

FAVILA : That is right, Ma’m. Malaki po talaga ito.

PGMA : In fact, pupunta ang Pangulo ng Korea dito para ma-ground break iyong mga proyektong iyon. So, just those two is US$800 million.

FAVILA : Mayroon po tayong power generation project, waste to energy project. Ito po naman ay United Pulp and Paper, local investment po iyan.

PGMA : Well, congratulations. Sino ang may-ari noon?

FAVILA : United Pulp and …

PGMA : Ang galing, environment-friendly pa.

FAVILA : Yes, Mrs. President. Mayroon din tayo sa mining, mayroon tayong exploration, mining ng minerals, gold and silver, half a billion po ito, iyong TVI Resource Development Philippines.

PGMA : Iyan iyong doon sa Zamboanga del Norte, sa Siocon. So mayroon silang dagdag na investment.

FAVILA : Mayroon po. Iyong Philippine Sinter Corporation, Mrs. President, inaprubahan ho namin, half a billion din ho.

PGMA : Saan nila ilalagay ito?

FAVILA : Doon sa present kwan po nila.

PGMA : Ah, doon sa bandang Misamis Oriental.

FAVILA: Opo, opo. Sa iron ore po naman iyan. Sa panig po ng pino-promote nating tourism, mayroon po tayong mga recently approved tourism projects.

PGMA : Halimbawa, Peter?

FAVILA : Tulad po noong Southern Visayas Property Holdings--resort po, dine-develop nila sa Visayas po, half a billion po iyan.

PGMA : Alam ba natin kung saan ilalagay iyong mga resorts na iyan. Kasi iyong Visayas naman talaga, saka iyong Bicol, iyan ang aking tinatawag na Central Philippines, iyan talaga ang ating tourism area. Dahil iyong ating mga turista, kung noon, 2.4 million ang ating turista, ay 1.2 ay pumupunta sa Cebu-Bohol. Tapos doon, sa Boracay alone, isang island na maliit lang iyon, mga 700,000 pumupunta sa Boracay. So, talagang iyong area na iyon--Cebu, Bohol Boracay, Palawan--iyan ang ating mga most attractive areas for tourism. So, doon din--at saka ang problema nga ngayon is not to promote tourism, but to promote tourism investments. Kasi nga iyong mga Cebuanos, kinukuwento nga nila na kapag may humihingi ng reservations sa kanila, pinapadala na lang nila sa Davao o ibang lugar, dahil talagang fully booked na talaga sila. Kaya talagang ini-imbita natin ang mga investments.

Kaya nagpapasalamat ako sa ating mga investors at sa ating mga opisyal na nagpo-promote ng investments. Nakikita ang kumpiyansa ng mga investors sa ating bansa sa kabila ng sobrang pamumulitika. Malamang ang dahilan kung bakit may kumpiyansa pa rin sila ay dahil sa mga reporma sa ekonomiya at sa budget. Ano pa kaya kung maiiwasan ang sobrang pamumulitika? Kaya patuloy nating isulong ang reporma at palaganapin ang kapayapaan at katahimikan para lalo pang dadami ang negosyo at trabaho para sa sambayanan.

Muli, salamat, Secretary of Trade and Industry, Peter Favila, at Deputy Governor ng Central Bank na si Diwa Gunigundo at back to you, Veronica.

***
Transcribed by:dhez
Edited by:Cora Patajo – 5:30 to 8:10 pm






---------------------------------------------
Reference:
Consul Patricia Ann V. Paez
Press and Information Officer
E-mail: pvpaez@aol.com
Tel. No. 202-467-9400
Mr. Erik Lorenzana (Staff)
E-mail: rppress@verizon.net
Tel. No. 202-467-9432
Posted on Wednesday, October 19 @ 17:56:51 CDT by don
 
 Related Links 
· More about Government and Politics
· News by don


Most read story about Government and Politics:
SPEECH OF SPEAKER JOSE DE VENECIA AT THE HERITAGE FOUNDATION

 Article Rating 
Average Score: 0
Votes: 0

Please take a second and vote for this article:

Excellent
Very Good
Good
Regular
Bad

 Options 

 Printer Friendly Printer Friendly

 Send to a Friend Send to a Friend


The comments are owned by the poster. We aren't responsible for their content.


No Comments Allowed for Anonymous, please register

Gutom.org Now Offers Syndication via RSS/XML Feeds

Gutom.org Headlines/Articles:
Gutom.org Forum Entries:

What is RSS/XML?

Gutom sa Karunungan :: Gutom sa Kalinangan :: Gutom sa Katotohanan :: Gutom sa Pagbabago
Hunger for Knowledge :: Hunger for Enlightenment :: Hunger for Truth :: Hunger for Change

The opinions, postings, and articles in in this website do not necessarily reflect the orientation or represent the opinions of Gutom.org, its owners, administrators, members, and affiliates nor that of FreeSparrow, LLC. members, management, employees and affiliates. The (opinions, postings and articles) have been approved for informational purposes only. In addition, Gutom.org may contain copyrighted material the use of which has not always been specifically authorized by the copyright owner. We believe this constitutes a "fair use" of such material under 17 U.S.C. Section 107. Members and readers wishing to use copyrighted material for or from this site for purposes that go beyond "fair use," must obtain permission from the copyright owner.
For more info about this site please contact Team Gutom by CLICKING THIS LINK.

Gutom.Org is an interactive on-line service operated by FreeSparrow, LLC. on the World Wide Web of the Internet, consisting of information services and content provided by FreeSparrow, LLC., affiliates of FreeSparrow, LLC. and other third parties.
All logos and trademarks in this site are property of their respective owner. The comments are property of their posters, all the rest © 2005 by Gutom.Org, and by FreeSparrow, LLC..
Disclaimer :: Terms of Use :: Privacy Policy

PHP-Nuke Copyright © 2004 by Francisco Burzi. This is free software, and you may redistribute it under the GPL.
PHP-Nuke comes with absolutely no warranty, for details, see the license.
Powered by PHP-Nuke Platinum

Page Generation: 0.50 Seconds

:: skyLineBlue phpbb2 style by Volize Web Solutions :: PHP-Nuke theme by www.nukemods.com ::